Abante Tonite Interactive

Lady solon pasikat sa modelong staff

1,095

Sa dami ng makukuhang staff sa kanyang opisina, isang kilalang modelo pa ang kinuha ng babaeng mambabatas para magsilbi sa kanya.

Matangkad at guwapo kasi ang modelo kaya maraming kababaihan ang napapalingon kapag kasama ito ng lady solon.

Kapag nasa hearing ang mambabatas, palaging nakabuntot itong kelot na mistulang tagabitbit lang ng mga gamit ng mambabatas.

Wala pang karanasan sa pagtatrabaho sa lehislatura ang modelo kaya mistulang pang-display lang siya ng kanyang amo.

Isa pa, maagang nalaos ang mo­delo kaya sumiksik na lang sa mommy niyang mambabatas.

Clue: Ang lady solon na pasikat sa modelong staff ay kilalang matapob­re at may letrang M sa kanyang pangalan as in mahaba ang baba.