Abante Tonite Interactive

Lady solon tamad maglakad, bumili ng golf cart

465

Wala namang golf course sa rest house ng isang mambabatas pero may ginagamit itong golf cart.

Malaki-laki kasi ang lupain ng lady solon sa probinsya kaya tinatamad itong maglakad para mag-ikot sa kanyang property.

Isa sa ginawa ng mambabatas ay ang pagbili ng golf cart para magamit nito sa pag-iikot sa lupain.

Kaya nitong magsakay ng anim na katao kaya’t pati na mga bodyguard ay angkas sa pag-iikot ni Madam.

Ang classic nito, bibisitahin lang pala niya ang tanim na kamote sa kanyang lupain na med­yo may kalayuan sa rest house.

Clue: Ang mam­babatas na tamad maglakad kaya bumili ng golf cart ay kilalang terror sa mga staff at may letrang C sa kanyang pangalan as in Chokoleit.