Abante Tonite Interactive

Lady solon tiklop sa kaaway na politiko

By
726

Nagmistulang maaamong tupa ang isang mambabatas ma­tapos na magkrus ang kanilang landas ng isang kaaway sa politika. Sa natisod na info ng Tonite, nagkasabay daw ang mam­babatas at ang politiko sa burol ng isang namayapang politiko mula sa Luzon.

Hindi raw makaat­ras ang lady solon dahil kinakailangan ang presensiya niya sa burol ng politiko na naging kasama din niya sa trabaho.

Kaya ang eksena tuloy sa burol, la­ging malayo ang tingin ng lady solon at halatang iniiwasan ang politiko.

Takot daw itong matingnan ang kaaway na politiko, aba’y kakainin siya nito nang buhay at baka matunaw ito sa titig pa lang ng politiko.

Napapaghalataan tuloy na malaki ang atraso ng lady solon sa politiko kaya ganu’n na lamang siya kung umiwas na makadikit o kaya’y matingnan man lang ang kinawawa niyang politiko.

Clue: Ang lady solon na nabahag ang buntot sa kaaway na politiko ay kilalang maga­ling umarte na may sakit. May letrang A sa kanyang pangalan as in Aray!