Abante Tonite Interactive

Lady teacher na hit-and-run ng tanker

547

Patay ang isang dalagang teacher nang magulungan ng tanker sa national highway sa Sariaya, Quezon noong Huwebes ng tanghali.

Dead on-the-spot ang biktimang si Julia Mindanao Jimenez, 25, taga-Barangay Talahiban II, San Juan, Batangas.

Batay sa report ng Sariaya PNP, nangyari ang insidente sa Eco-tourism road, Brgy. Talaan, Sariaya alas-12:30 ng tanghali habang ang biktima ay nakaangkas sa motorsiko na minamaneho ng kanyang kapatid na si Alvin Jimenez patu­ngong Lucena City.

Bigla umanong sinakop ng kasalubong na mini tanker tractor head na may plate number RDS 337 ang linya ng motorsiklo kaya umiwas si Jimenez.

Subalit nawalan ng panimbang ang biktima at nahulog sa kalsada kaya nagulungan ng truck.

Hindi naman huminto at mabilis na tumakas ang nakasagasang tanker. (Ronilo Dagos)