Abante Tonite Interactive

Lady teacher nagbenta ng shabu

379

Arestado ang isang babaeng guro matapos ang isinagawang buy-bust ope­ration ng pulisya sa Calajunan, Mandurriao, Iloilo City Miyerkoles nang gabi.

Kinilala ang nadakip na si Janeth Aguirre, 45-anyos, guro ng A. Mirasol Memorial Elementary School at taga-Barangay Sta. Cruz, Arevalo ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nadakip si Aguirre matapos ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng City Drug Enforcement Unit ng Iloilo City, Arevalo at Mandurriao Police Station pasado alas-nuwebe nang gabi.

Abante Hiring – IT dep

Napag-alaman na kumuha ng P5,000 halaga ng shabu ang isang police poseur buyer sa suspek at matapos magkapalitan ng pera at droga ay saka inihudyat ang pag-aresto sa guro.

Nakuha pa sa pag-iingat ng suspek ang 10 sachet ng pinaniniwalaang shabu.
Itinatanggi naman ng guro na kanya ang nasabing iligal na droga at planted lang umano ng mga pulis ang mga nakuha sa kanya.

Nagulat na lang aniya siya nang pasukin ng mga pulis ang kanyang bahay sa pamamagitan ng pagbasag ng jalousie. (Edwin Balasa)