Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lady trader binaril sa ulo ng bisita

0 292

Patay ang isang babaeng negosyante nang barilin ng dalawang beses sa ulo ng isa sa dalawang suspek na bumisita sa kanyang bahay Sabado ng hapon sa bayan ng Liloan, Cebu.

Dead on the spot ang biktimang si Maria Victoria Corpuz Lingal, 41, may-ari ng isang ukay-ukay at residente ng Purok Narra, Barangay Tayud ng nabatid na bayan.

Sa ulat ni Police Staff Sgt. Nelson Sadile, ng Liloan Municipal Police Station, alas-3:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa loob mismo ng bahay ng biktima.

SM food to go Banner Ad

Napag-alaman na dumating ang dalawang hindi pa kilalang lalaki lulan ng magkahiwalay na motorsiklo sa bahay ng biktima. Isa sa mga ito ay pumasok sa loob ng bahay habang ang isa ay nagbantay sa labas.

Ilang saglit lang ay dalawang putok ang narinig sabay takas ng suspek kasama ang kasabwat na kapwa nakaitim na jacket.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tahimik at wala naman silang nababalitaang kaaway ang biktima na mag-isang naninirahan sa bahay.

Isa sa tinitignang motibo sa krimen ay love triangle dahil mayroon umanong boyfriend ang biktima. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.