Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lady tulak, 6 pa dinampot

0 86

Kulungan ang bagsak ng pito katao kabilang ang isang lady pusher matapos mahuli sa isinagawang buy bust operation kamakalawa sa Barangay Nangka, Marikina City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 sina Mary Jane Ozorio y Zerna, 32, kabilang sa listahan ng drug watch list; Marlon Ragadao y Salvador, 37; Mark Anthony Dasingan y Ontong, 24; Roberto Nuyda y Ugayon, 44; Ronelo Arboleda y Asignacion, 44; Arnel Pradera y Pansilina, 38, at Iverson Montehermosa y De Guzman, 18, pawang taga-Marikina City.

Inaresto ang mga suspek bandang 7:30 Sabado ng gabi sa Block 3 Bulabud St. Area 1, Barangay Nangka nang magsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng SDEU Marikina CPS. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.