Abante Tonite Interactive

Lady Warriors diniskaril ang Jet Spikers

By
Kuyom ang kamaong hinataw ni Myla Pablo ng Pocari Sweat ang bola habang nakaabang ang depensa ni Jocemer Ta­pic ng Air Force sa Game 2 action ng Shakey’s V-League Open Conference sa Philsports Arena kahapon. (Patrick Adalin)
6

Humirit ng do-or-die finals ang Pocari Sweat Lady Warriors matapos ilista ang 17-25, 25-22, 25-14, 25-20 panalo kontra Air Force Lady Jet Spikers kahapon sa Game 2 ng Shakey’s V-League Season 13 Open Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Natisod sa unang unang set ang Lady Warriors pero mas ginanahan ang mga ito para ikadena ang tatlong sunod na panalo at saltuhin ang asam na victory party ng Lady Jet Spikers.

Humataw si Myla Pablo ng 19 hits kasama ang 17 attack points para kargahin ang Lady Warriors at manatili ang kanilang asam na makopo ang unang korona sa nasabing event.

Abante Hiring – IT dep

“They played with composure which was lacking in our previous game,” sambit ni Pocari coach int­erim coach Rommel Abella.

Sa Lunes ng alas-sais naka-iskedyul ang winner-take-all match ng Pocari Sweat at Air Force.

Hawak ng Lady Warriors ang 12-8 lead sa fourth set pero nakahabol ang Lady Jet Spikers at lumamang pa sila, 14-15.

Hindi naman nasiraan ng diskarte ang Pocari, sa pamumuno ni Elaine Kasilag na umiskor ng walong puntos ay naibalik sa kanila ang bentahe, 22-18.

Samantala, kinalos ng  BaliPure Water Defenders ang Laoag Power Smashers, 25-27, 25-22, 25-23, 25-19, upang angkinin ang third place.

Pinangunahan ni conference MVP Gretchel Soltones ang apat na Water Defenders na tumikada ng double-digit score para punan ang opensang iniwa­nan ni Valdez na naglaro sa ASEAN University Games sa Singapore.

Nagtala si Soltones ng 18 points kasama ang 14 kills habang nirehistro ni Amy Ahomiro ang 15 points at five blocks.

Tinipa ni Janine Marciano ang 12 puntos kasama ang walong eight excellent receptions habang may inambag sina Dzi Gervacio at Mae Tajima ng 11 at 10 pts.

Nahirang si Valdez na 1st Best Outside Open Spiker.

Ang ibang nakakuha ng special award ay sina Pocari Sweat Power-hitting Myla Pablo (2nd Best Open Spiker), skipper Michele Gumabao (Best Opposite Spiker) at Melissa Gohing (Best Libero) habang sina Jaja Santiago ng National University at Kathy Bersola ng University of the Philippines ang 1st at 2nd Best Middle Blocker citations ayon sa pagkakasunod.

Si veteran playmaker Wendy Semana ng Philippine Air Force ang Best Setter.