Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lagay ng Philta sisilipin

0 116

Tatalakayin ang epekto ng suspensiyon sa International Tennis Federation (ITF) ng Philippine Lawn Tennis Association (Philta) sa weekly webcast edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ngayong Martes ng alas-10:00 nang umaga.

Magsisiwalat sa isyu ng Philta sina president Atty. Antonio Cablitas at vice president Martin Misa, na magbubunyag din ng plano’t programa ng samahan para sa papasok na 2021.

Inihahatid ang sesyon ng San Miguel Corp., Go For Golf, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), si Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham Kahlil Mitra ang bubuo sa kalahatian ng sports program na mga pinalakas ng Smart at Upstream Media bilang webcast partner.

Tatalakayin niya ang katatapos na 2nd Professional Sports Summit. May livestreame ang Forum via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at Radyo Pilipinas 2 FB page. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.