Abante Tonite Interactive

Laging sumasabay sa kotse ni kumpare

637

Hindi po ako sigurado pero may nararamdaman akong hiwaga sa da­lawang kapitbahay ko.

Si Mrs. L ay nasa kanang bahay ko habang si Mr. C ay sa kaliwa ko. Sa madaling salita ay napapagitnaan nila ang bahay ko.
Seaman ang asawa ni Mrs. L habang OFW (nurse) naman sa Saudi ang misis ni Mr. C. ­Inaanak ko ang nag-iisa pa lang nilang anak.
May hitsura si kumpareng Mr. C kaya ‘di malayong ma-attract sa ­kanya si Mrs. L.

Halos magkaedad pa silang da­lawa kumpara sa mister ni Mrs. L na medyo matanda na – kaya siguro kung makaalembong siya sa kumpare ko ay ganu’n na lang.

Tuwing pumapasok sa trabaho si kumpare ay obvious na laging sumasabay sa kanya si Mrs. L.

‘Pag narinig niyang nag-broomm-broomm na ang kotse ni Mr. C ay pakembot-kembot nang lumalabas si Mrs. L at kunwari ay nagpapatiyempo nang maisabay.

Walang duda na nilalandi niya si kumpare – at komo siguro palay na ang lumalapit ay sinasakyan naman nitong lalaki.

Nitong huli ay napapansin kong bukod sa sumasabay sa pagpasok si Mrs. L ay sabay na rin silang umu­uwi. Pareho silang tigang kaya hula ko’y may nangyayari nang digmaan o derby sa kanila.

Alyas ‘Angel’ ng Cavite

***
Kung kayo ay may kapitbahay na may kahanga-hanga, nakakatuwa, nakakaasar o kapana-panabik na kuwento na gusto ninyong i-share dito ay sumulat na agad o mag-email sa ‘Kapitbahay mo, i-blind item mo!’ E-mail: kapitbahay.tonite@gmail.com.