Abante Tonite Interactive

Laglag si Ion? Vice nahumaling kay Cha Eun-woo

675

Maging ang mga sikat na celebrities sa bansa gaya nina Anne Curtis, Bela Padilla, Ella Cruz at ang Unkabogable Vice Ganda ay mga die-hard fan ng K-Pop.

Nag-trending nga si Vice Ganda matapos i-upload ng isang Facebook fan page na “Saranghae Oppa” ang kanyang reaksyon nang makita ang guwapong bida ng K-drama series na “My ID is Gangnam Beauty”.

Na-starstruck ang phenomenal star sa perpektong mukha ng Korean actor at Astro member na si Cha Eun-woo.

Aniya sa Instagram story na nakunan ng nasabing fan page, “Ang gwapo naman ng lalaking ito. Ang gwapo! Ay jusko ang gwapo ng bata.”

Tiyak na hindi papalampasin ni Vice ang pagkakataon na makita ang Korean actor na nakatakdang bumisita sa bansa sa darating na October 26 para sa kanyang “Just One 10 minute” tour.

Hindi magselos si Ion Perez? (Ronaline Avecilla)