Abante Tonite Interactive

Lagon, iba pa sa Manila Challenge

371

May 150 sultada ang bubulaga sa mga apisyonado bukas ng alas-10 ng umaga sa pagsiklab ng 2019 Thunderbird 6-Cock All Star Derby tampok ang 50 de-kalidad na kalahok na may mga manok-panabong na nagbigay sa kanila ng karangalan at mga nais mapabilang sa Thunderbird Winning Team.

Ang isang araw na okasyon ang pinakamahigpit na sabong pinale ng Regional 5-Bullstag/Cock Derbies sa kapuluan ng bansa.

Handa na para bitawan ang kanilang mga signature bloodline ng mga tinale sina 2019 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby champion Engr. Sonny Lagon, multi-awarded Dicky Lim ng Palawan, Nestor Vendivil ng Nueva Ecija, 4-time World Sla­sher winner Rey Briones ng Masbate, Gov. Eddiebong Plaza ng Agusan del Sur, back-to-back Slasher champ Frank Berin ng Isabela; BNTV Cup’s Joey Sy, Bakbakan champ Engr. Sonnie Magtibay ng Palawan, Ormoc Gold breeder Bernie Tacoy, Boy Marzo ng La Union, Games and Amusements Board chairman Abraham Mitra ng Palawan, Redbull Gamefarm’s Carlos Tumpalan, Bicolano Teng Rañola, Cong. Larry Wacnang ng Kalinga, Bebot Monsanto ng Cebu, Mayor Jesry Palmares ng Iloilo; Ormoc City’s Winnie Codilla , Dennis De Asis ng Bacolod, Pitmasters’ champ Hermin Teves ng Dumaguete, Capiz’s pride Marcus del Rosario, Mayor Baba Yap ng Bohol, Alvin Ong ng Cebu, Vic Lacsao ng Negros, Bentoy Sy ng Zamboanga del Norte, Tan Brothers ng Davao, Zamboanga City’s Manny Dalipe, Armand Santos ng Laguna at iba pa. (Enjel Manato)