Abante Tonite Interactive

LAGOT KAYO!

By
Alfred, Diana, Sanya at Rocco
10

“LAGOT kayo sa daddy ko!” ang cute na caption ni Rocco Nacino sa pinost niya sa Instagram na teaser ng bagong karakter na papasok sa Encantadia.

Nagbabalik si Alfred Vargas, ang orihinal na Aquil na ­ginagampanan ngayon ni Rocco sa ­Kapuso telefantasya.

Amarro ang pangalan ng bagong karakter ni Alfred na ama ng pinuno ng mga kawal ng Lireo na si Aquil.

Abante Hiring – IT dep

Na-excite si Rocco at ang mga Encantadiks sa pag-entra ni ­Amarro, pero isang malaking tanong kung kalaban ba ito o kakampi.

Ang ganda rin nu’ng pinost na pic ni Rocco na Danaya-Aquil 2005 at Danaya-Aquil 2016 na magkakasama sila nina Alfred, Diana Zubiri at Sanya Lopez.

Ni-repost ‘yon ni Alfred sa IG nito at ang ­sabi ng actor-congressman, “Feels great to be back home in Lireo. I never thought I’d see you again. But here I am. Encantadia 2016 rocks!!!”

Marami pang aaba­ngang sorpresa sa ­Encantadia na kumpirmadong ­extended na naman dahil ­patuloy ito sa pamamayagpag ­gabi-gabi sa GMA Telebabad.