Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lagpas 2K COVID bakuna pang-bata parating

0 95

Inihayag ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na mahigit 2,000 bakuna kontra COVID-19 ang inaasahan nilang darating nitong Miyerkoles ng gabi sa bansa.

Base sa abiso ng MIAA Media Affairs Division, dakong alas-9:05 ng gabi inaasahang lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang Air Hong Kong flight LD 456 na lulan ang 2,400 doses ng Pfizer vaccine.

Bahagi umano ang mga naturang bakuna ng binili ng gobyerno para gamitin sa mga menor de edad bilang karagdagang proteksiyon laban sa COVID. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.