Abante Tonite Interactive

Laguna drug leader timbog sa mga pulis

146

Natimbog ng mga pulis ang isa sa mga leader ng drug group sa buy-bust operation sa San Pedro, Laguna kamakalawa ng hapon.

‘Di na nakapalag nang makorner ng mga pulis ang suspek na si Reynaldo Marquina Y Lasay, 50-anyos, umano’y leader ng Pato drug group sa San Pedro matapos na ito ay magbenta ng isang sachet ng shabu sa isang pulis na umaktong poseur buyer.

Nakumpiska kay Lasay ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 12.86 gramo at may street value na P28,000.00.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 and 11 ng Article II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasakoteng suspek.