Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laguna mayor, ermat dedo sa COVID

0 614

Nagluluksa ngayon ang bayan ng Famy nang magkasunod na masawi sa COVID-19 ang kanilang punongbayan at ang ina nito kamakalawa.

Sa pinalabas na ulat ni Provincial Public Affairs Officer Rommel Palacol, isinugod sa Global City Medical Hospital sa bayan ng Bay si Famy Municipal Mayor Edwin Pangilinan, 53, nitong Marso 15 nang hindi nito makayanan ang mabigat na nararamdaman sa katawan.

Isinugod naman sa Holy Family Clinic sa bayan ng Sta. Cruz ang kanyang ina na si Lucena, 76.

Kapwa nagpositibo ang dalawa sa COVID-19 at nakaranas ng mga sintomas ng sakit.

SM food to go Banner Ad

Lumilitaw na una umanong dinapuan ng sakit ang 2nd termer na, mahigit isang linggo na ang nakakaraan.

Nagdesisyon itong mag-self quarantine at mag-isolate muna sa kanyang kubo para doon ito magpagaling kasama ang kanyang ina na siyang nag-aalaga dito.

Subalit makalipas ang ilang araw lumala ang kanilang kalagayan.

Naunang binawian nang buhay ang ina at makalipas lamang ang isang araw ay sumunod na pumanaw ang alkalde bandang alas-10:00 ng umaga. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.