Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laguna tapunan ng bangkay

0 125

Dalawa na namang hindi pa nakikilalang bangkay ng isang lalaki at isang babae ang nadiskubreng itinapon sa bangin sa Cavinti, Laguna Sabado ng umaga.

Hinala ng pulisya, mga biktima summary execution ang dalawa, na di pa natutukoy ang mga pangalan. Natunton ang mga ito sa ilalim ng bangin sa gilid ng highway sa Barangay Anglas alas-10:00 ng umaga.

Ayon sa Cavinti police, may mga tama ng bala ang dalawa at narekober din sa lugar ang mga basyo ng kalibre 45 baril.

Sa tala ng Laguna PNP, ito na ang pangatlong pares ng mga natatagpuang mga bangkay na lahat ay hinihinalang biktima ng salvage na umaabot na sa anim sa loob ng linggong ito.

Unang natagpuan ang 2 salvage victim sa bayan ng Kalayaan na napag-alamang parehong dinukot ng mga armadong kalalakihan sa San Pedro City noong Lunes.

Huwebes naman nang matagpuan ang bangkay ng dalawang hindi pa rin nakikilalang biktima na itinapon sa palayan sa bayan ng Pila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.