Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lagundi, VCO test kontra COVID ilalabas na

0 95

Maaaring lumabas na umano sa susunod na buwan ang resulta ng clinical trial sa lagundi at virgin coconut oil (VCO) bilang posibleng gamot sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Jaime Montoya, opisyal ng Department of Science and Technology (DOST), sa Hulyo ay maaaring magkaroon na ng report sa datos sa lagundi at VCO.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“`Yong VCO at lagundi malapit na po siguro by next month baka mayroong preliminary analysis kung ano sinasabi ng datos ng pag-aaral na ito,” sabi ni Montoya sa panayam sa radyo.

Para naman sa halamang gamot na tawa-tawa, naghihintay pa aniya ang DOST dahil kulang pa sila ng volunteer para masubukan ito kontra COVID-19. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.