Abante Tonite Interactive

Lahat apektado ng trapik

157

Dear Abante Tonite,

Araw-araw nakikipagsapalaran ang lahat sa trabaho, sa eskuwelahan lalo na sa pagbiyahe.

Ang inaasahang sandaling oras ng biyahe ay aabot ng isang oras hanggang tatlo minsa’y higit pa. Ang oras na dapat sa pamilya ay nauubos dahil sa pagko-commute o pagbiyahe.

Dapat magkaroon ng aksyon ang gobyerno. Isang mabisang aksyon at hindi aksyong pansamantala.

Sa buhay ng mga namamasada ay mahirap din sapagkat sila’y magdamag na nakababad sa mainit at mabagal na kalsada. Isama pa ang tumataas na preyo ng gasolina pati na rin ang patuloy na panggigipit sa kanila ng gobyerno.

Labis na naapektuhan ang lahat sa mga nangyayari pagdating pa lamang sa trapiko. Tila ‘domino effect’ ang nangyayari dahil ang isang kilos o pasakit ay ­nakaaapekto sa lahat.

Nawa’y maisaayos na ang sistema pagdating sa trapiko upang matulungan at makinabang ang bawat isa.

Renz Joshua Buela