Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lahat galit sa korapsiyon `pag eleksiyon – Lacson

0 111

Pinitik muli ni independent presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang mga politiko na galit sa korapsiyon subalit tuwing eleksiyon lamang.

Sa kanyang talumpati sa ginanap na town hall meeting sa Malabon kahapon, sinabi ni Lacson na sa kanyang pag-iikot ngayong kampanya ay pangkaraniwang idinadaing ng mga kababayan ang halos pare-parehong mga problema na naririnig nila saan man makarating.

“`Yong kaya naming aksiyunan kaagad ora mismo hindi na kailangang maghintay ng eleksyon – agad naming tinutugunan, agad naming hinahanapan ng solusyon. Hindi naman kailangan lahat makuha sa pangako,” sabi ni Lacson.

Dito binanggit ng senador na marahil aniya lahat ng nakakausap ng mga tao o mga napupuntahang campaign rally ng mga politiko ay iisa lang ang sigaw na laban sa korapsiyon.

SM food to go Banner Ad

Subalit karaniwan aniyang nangyayari ang ganito tuwing may eleksiyon sa bansa at pagkatapos ay balik na naman sa dating gawi.

“Katunayan, lahat ng nakausap ninyo, lahat siguro ng napuntahan n`yong mga rallies, lagi sinisigaw ‘lahat kami anti-corruption,’ ‘lahat kami galit sa corrupt.’ Maski `yong mga corrupt, galit na rin sa corrupt pero ‘pag eleksyon lamang. Pagkatapos ng eleksyon balik sa dating gawi. Ang napeperwisyo `yong mga kababayan nating mga Pilipino,” ani Lacson.

Payo ni Lacson sa mga boboto sa Mayo 9 na pagdating sa mga polling booth ay isipin na nang-iisa na lang at walang puwedeng makaimpluwensiya sa kanilang pagboto.

“Ang inyo lamang parating isipin kapag kayo’y nandoon na (sa pooling booth), nag-iisa na lang kayo, walang puwedeng mag-influence, pag-aralan n’yo lang mabuti. Suriin n`yong mabuti sino ba `yong pinaka-kuwalipikado, sino ba `yong pinaka-competent, sino ba `yong pinaka may karanasan, at ‘yon ang i-shade n`yo sa balota. At kami, hindi po kami mahihiya na sabihin sa inyo kami ang most qualified, kami ang most competent, kami ang most experienced,” diin pa ni Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.