Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lahat may Kontribusyon, Lahat Lumalaban

0 421

Sa araw-araw na naririnig nating balita, parang minsan mapapaisip ka talaga kung kailan natin malalampasan ang pinagdaraanan ng ating bayan. Kabi-kabila ang mga isyu na kinakaharap nating mga Pilipino na lalong pinabigat ng pandemya. Parang kahit may ayudang nadala sa isang lugar, magkakaroon na naman ng panibagong problema sa susunod. Para bagang wala nang katapusan ang bangungot na ito.

Pero huwag tayong mapanghinaan ng loob at patuloy tayong lumaban, dahil gaya ko na may mga anak at isa ring lingkod-bayan, alam kong hindi dapat mawalan ng pag-asa. Para sa kanila, para sa ating bayan, gagawin natin ang nararapat: walang maliit, walang malaki pagdating sa pagtulong sa ating kapwa. Minsan kapag nakikita natin ang mga naiaabot na ayuda ng mga may malalaking pangalan, nahahambing natin ito sa mga maliliit nating alay na tulong sa ating mga kababayan, at minsan, nawawalan tayo ng loob na magpatuloy.

Ngunit mahalaga ang bawat kontribusyon natin lalo na ngayon. Mula sa simpleng pananatili sa bahay, hanggang sa mga pag-abot ng ayudang tulad ng personal protective equipment (PPEs) sa mga ospital: lahat ng ito hakbang laban sa pagsugpo sa pandemya. Lahat tayo nagtatrabaho, nagsasakripisyo para lumaban para sa ating kinabukasan.

Gaya ng ibinahagi ni VP Leni nitong nakaraang linggo: huwag tayong susuko. Huwag natin mamaliitin ang ambag natin sa bayan dahil kung may isang Pilipino kang nabigyan ng mas magandang pagkakataong makalaban sa sakunang ito, isang hakbang na ito patungo sa tagumpay.

Ito ang ilang bahagi ng mensahe ni VP LENI:

“Lalo sigurong nakakadagdag sa anxiety at pangamba: Parang walang makapagsabi nang tiyak kung ano ang mangyayari sa mga susunod na panahon. Sa ngayon pa lang, mahaba na ang listahan ng mga hamon: Imbes na ma-flatten ang curve ng pandemya, parang lalo pang nagiging matarik ang kurbada. Abot-abot ang sakripisyo ng ating mga frontliners. Patuloy na nagugutom ang mga naghihirap. Marami sa ordinaryong Pilipino ang butas na ang bulsa, either dahil tinamaan ang kanilang kaanak ng COVID-19, o dahil sila mismo nawalan ng trabaho o pagkakakitaan. May mga gustong umuwi sa probinsya na hindi makauwi; sakaling makabiyahe sila, di rin nila masabi kung paanong mabubuhay, dahil kulang ang economic opportunities doon. Napabalita rin na marami sa mga tauhan ng MRT-3, positibo sa virus. Setback na naman ito sa pagkakaroon ng maayos at ligtas na pampublikong transportasyon.

Sa harap ng lalim ng public health crisis na ito, at sa bilis ng pagkalat ng virus at sa dami ng apektado, pakiramdam ko dapat malinaw na sa ngayon: Ang pinakamabisang kausapin, himukin, at i-empower, ay ang taumbayan mismo. Ang dapat ituring nating pangunahing instrumento ng pag-ampat sa pagkalat ng virus, ay ang mga indibiduwal, pamilya, at komunidad. Kaya nga dapat siguruhing hindi lang natutugunan ang pangunahin nilang pangangailangan kundi napapakinggan din ang kanilang mga hinaing.

The pandemic may have put our lives on hold, but it should not prevent us also from finding solutions. Hindi tayo dapat magparalisa sa takot. Our people, especially the most vulnerable, rely on us to ease their burdens, in whatever way we can. Sa amin sa opisina, sa Office of the Vice President, mula pa noong Marso, walang tigil ang trabaho para maabot ang mga pinakaapektado ng krisis na ito. In fact, as I speak, second day of operations na rin namin sa Cebu. So meron kaming operations dito sa Metro Manila and surrounding provinces. Sa Cebu, we already started yesterday. Mahirap man dahil limitado ang resources at mandato ng opisina, pinilit naming gawin ang makakaya. Because it is our duty—not only as public servants, but also as human beings.

Ang gusto sana naming maipakita, ‘yung batayang pilosopiya ng mga ginagawa namin. We believe that each task, no matter how small, each effort to help, contributes to building a society that benefits all. Walang maliit dito. Given the challenge of the pandemic, this means that every effort to keep someone at home, to keep someone safe, keeps everyone else a bit safer. In the same sense, as we uphold the dignity of one, so do we uphold a system that upholds the dignity of all. Every food pack eases the burden on families who struggle to put food on the table. Every PPE set makes a health worker feel more secure as she goes about her work. Every room opened in our dorms, every new route for our shuttle services, every kilo of vegetables bought through our community market, every gadget given to a student or teacher—sa dulo ng lahat ng ito, may isang tao na nabibigyan ng dignidad. At palagay natin, sapat na iyon.”

Laban lang mga kababayan. Kaya natin ito!

Leave A Reply

Your email address will not be published.