Abante Tonite Interactive

Lahat ng nasa 14km danger zone: Burado sa ‘big bang’

1,063

“Kapag sumabog at nagkaroon ng hazardous eruption, lahat ng nasa 14 kilometer (km) danger zone ay tiyak na mamamatay.”

Ganito ang nakikitang scenario ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kaya naman hindi dapat na bumalik ang mga residente hanggang may banta ng pagsabog ng bulkan.

“Hazardous po iyon kasi mabilis ‘yung ganoong movement and mainit siya. Definitely deadly kung sinong nasa vicinity,” pahayag ni Danniko Rivera, Phivolcs Senior Science Research Specialist.

Ayon aa Phivolcs sa kanilang isina­gawang aerial inspection ay nanatili ang banta ng Bulkang Taal kaya dapat panatilihin pa rin ang Alert Le­vel 4 status.

Ibig sabihin anumang oras o araw ay maari pa rin na magkaroon ng ma­lakas na pagsabog kahit pa nagpapakita ng bahagyang paghupa ang Taal nitong nakaraang mga araw .

“When the eruption does occur, the public can expect a base surge or a horizontal movement of hot gases, volcanic fragments and ash at 60 kilometers per hour — as fast as a car moving at average speed,” paliwa­nag ni Rivera.

Babala naman ni National Institute of Geological Sciences professor Carlo Arcilla ng University of the Phi­lippines na ang banta sa buhay ay sa oras na malanghap ang hot gases na nasa 600 degrees Celcius hanggang 1,000 degrees Celcius.

“What will kill you is when you breathe in the 600 degree air, that’s a fast death. You will be burnt,” dagdag pa ni Arcilla.

Maliban sa base surge ay isa pa sa pinangambahang scenario ay lumabas ang magma at mahalo sa tubig na tiyak na may isa pang uri ng pagsabog na magagaganap.

“Visually we can say nag-we-wane ‘yung… hitsura po ng column kung iko-compare natin noong Sunday o Monday pero… internally, seismisity, gas measurements and change­s in the ground and fissure mapping up until yesterday, so nakikita namin may ground movement,” dagdag pa ni Rivera.

Sa ngayon ay hindi pa nakikita ng Phivolcs na maibaba ang alert le­vel dahil umano sa ‘very complex’ na paggalaw ng Taal.

“Nandito tayo sa perception na humuhupa versus naman sa subsurface activity na hindi,” ayon kay Phivolc­s Director Renato Solidum sa press briefing kahapon.

Sa pinakahuling advisory, patuloy ang mahihinang pagsabog ng Taal kung saan ang ash plumes ay umaabot ng 600 metro at ang sulfur dioxide ay nasa 360 tonelada kada araw.

Gayunpaman, wala umanong definite trend ang aktibidad ng Taal na nagpapakita na kumalma na ito kaya’t patuloy ang nakaambang banta na posibleng pagsabog anumang oras o araw.

“Wala pa tayo nakikitang definite trend using our Taal volcano monito­ring network na humina siya. At habang may paggalaw ng magma, ‘di pa talaga siya humuhupa,” sabi pa ni Solidum. (Tina Mendoza/Dolly Cabreza)