Abante Tonite Interactive

Lahat ng pari istupido – Duterte

By
0 203

Namimiligrong uminit na naman ang iringan sa pagitan ng Simbahan at gobyerno matapos tawagin ni Pangulong Rodrigo Duterte na istupido ang lahat ng mga pari.

Sa kanyang talumpati sa Sagay City, Negros Occidental Biyernes ng gabi, hindi naiwasang mag­litanya ang Pangulo laban sa mga alagad ng Simbahan dahil sa mga patuloy na banat sa kanya, lalo na nang ipanalanging mamatay na sana ito.

Ayon sa Pangulo, walang matalinong pari dahil kung hindi sila istupido ay hindi sana ­pumasok sa pagpapari.

Hanggang tingin na lamang aniya ang mga ito kapag nakakakita ng magagandang babae dahil hindi sila maaaring manligaw.

Ayon kay Pangulong Duterte, wala siyang pakialam kung sinuman ang gustong pumatay sa mga pari dahil sila ­aniya ang nagsimula at hinangad na siya ay mamatay.