Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lakas-CMD buking sa diskarte kay Sara

0 133

Kinumpirma ng isang opisyal ng Lakas-Christian Muslim Democrats kahapon na naghain ang kanilang ngayong Lunes na naghain ang kanilang partido ng certificate of candidacy (COC) para sa halalan pagka-pangulo at bise president sa 2022.

Ayon kay House Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay, secretary general ng Lakas-CMD, ang paghahain ng COC ay paghahanda kung sakaling mayroong tatakbo sa ilalim ng partido.

Inamin ni Pichay na umaasa ang Lakas-CMD na magbabago pa ang isip ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at sasabak ito sa presidential elections.

“In fact, we’re hoping that she would change her mind and run for president,” wika ni Pichay.

Dagdag ni Pichay, ang pinal na listahan ng mga kandidato ay lalabas matapos ang deadline ng substitution sa Nobyembre 15.

“After November 15 alam na natin talaga kung sino `yong seryoso na players then the party will convene and decide who to support,” dagdag pa ng kongresista.

Noong Oktubre 8 ay naghain si Anna Velasco ng COC sa pagka-pangulo at si Lyle Uy para sa pagka-bise presidente sa ilalim ng Lakas-CMD.

Ayon pa kay Pichay, mayroong informal alliance ang Lakas-CMD at regional party na Hugpong Ng Pagbabago (HNP) na pinamumunuan ni Mayor Duterte. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.