Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lakas ng Mu variant aaralin pa

0 55

Kinakailangan pa ng Department of Health (DOH) ng masusing pag-aaral sa Mu variant na sa inisyal na pag-aaral ay lumalabas na mas nakaha­hawa at maaaring maging sanhi ng mas malalang CO­VID-19 infection sa bansa.

Ayon kay DOH Under­secretary Maria Rosario Vergeire, kailangan pa ng mas masusing pag-aaral kung gaano kalakas ang impact ng Mu na mino-monitor na ngayon ng World Health Organization (WHO).

“Ang sinasabi nila, marami siyang types of mu­tations. Ang sabi, ganoon din ang transmissibility – mataas din. Also, sinasabi it can also affect immunity of a person… Sinasabi rin na ang nagkakaroon ng ganitong sakit might lead to more severe forms of infection, but lahat ng ito, initial pa lang ang pag-aaral at mga information na binigay ng WHO.”

Nabatid na sa Pilipinas ay wala pa umanong na-detect na kaso ng Mu vari­ant pero may presensiya na umano ito sa 40 bansa sa daigdig.

Sinasabing unang na-detect ang Mu sa Colombia noong Enero at klinasipika ng WHO bilang ‘variant of interest’ ngayong linggo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.