Abante Tonite Interactive

Lakas, tibay ng loob ang puhunan

Lodi ATLETIKO

977

Hindi naging madali ang daan para sa Philippine Air Force airwoman Hidilyn Diaz ang makamit ang tugatog ng tagumpay kung saan kinailangan nitong lampasan ang tatlong Olympics at nakadidismayang paghahanda tungo sa pagsungkit ng pilak, ngunit nagmistulang kumikinang na ginto.

Hindi lamang pinutol ni Diaz ang 20-taong pagkauhaw ng bansa sa medalya sa Olympics kundi inangkin din nito ang kasaysayan bilang unang Pinoy na nagwagi ng medalya sa weightlifting, at pinakaunang atleta na ‘di galing sa paboritong boksing na makamit ang medalya sapul noong 1936.

Buo ang loob at sanay sa mundo ng kahirapan, ang anak ng isang tricycle driver sa kanilang lugar ay nagsumikap at hindi nasiraan ng loob sa kabila nang hindi pagkabuhat sa kanyang unang dalawa sa tatlong attempt bago nagkasya sa kabuuang naangat na 88kgs. sa snatch para sa ika-anim na puwesto kung saan nanguna ang China at Chinese Taipei.

Abante Hiring – IT dep

Gayunman, inisip na lang ni Diaz ang panahon noong siya ay nag-iigib ng tubig para sa kanyang pamilya at matikas na bumawi sa clean and jerk event sa pagbuhat ng 111kgs. sa unang attempt at 112kgs. sa ikalawa. Tinapos nito ang disiplina sa kabuuang 117kgs na naiangat sa kanyang ikatlong pagbuhat ay nakamit ang makinang na silver medal para sa bansa.