Abante Tonite Interactive

Lakers ibibigay lahat makuha lang si Davis

270

Mas lalong nagseryoso ang Los Angeles La­kers sa pakikipag-usap sa New Orleans Pelicans para makuha si Anthony Davis.

Papalapit na ang trade deadline sa Feb. 7, dumadami na ang nasa package na ipinapain ng Lakers upang madale ang center na nagpapa-trade na mula Pelicans.

Sa ulat ni Brad Turner ng Los Angeles Times, binanggit niyang dalawang beses nagkausap sina Lakers President for basketball operations Magic Johnson at Pelicans General Manager Dell Demps.

“Lakers willing to give Pelicans cap relief for Anthony Davis by taking So­lomon Hill for Lonzo Ball, Kyle Kuzma, (Brandon) Ingram, (Rajon) Rondo, Lance Stephenson, (Michael) Beasley, 2 1st round picks,” tweet ni Turner.

Lahat ng deal, kasama si Ball. May package pang nababanggit sina Josh Hart, Ivica Zubac at Mo­ritz Wagner mula Lakers.

Pero hindi kumporme rito si Ball, No. 2 pick overall ng Lakers noong 2017. Lalo na ang kanyang amang si LaVar.

Mas gusto raw ni Lonzo na mapunta sa Chicago Bulls o sa New York Knicks.

Si LaVar, mas type na maglaro ang anak sa Phoenix Suns, ayon sa pahayag nito sa ESPN.