Abante Tonite Interactive

Lakers, Lue ‘di nagkasundo

0 396

Nauwi sa wala ang usapan ng Los Angeles Lakers at ni head-coaching candidate Tyronn Lue dahil ‘di magkasundo sa haba ng kontrata.

Mula sa sources ng Yahoo Sports, napag-alamang hinahainan daw si Lue ng three-year deal na nagkakahalaga ng $5 million, $6 million at $8 million bawat taon.

Pero humingi umano ng five-year deal si Lue, tulad ng ibinigay noon ng Lakers kay Luke Walton.

Sa proposal ng Lakers, sabay mage-expire ang kontrata nina Lue at LeBron James.

Itinutulak pa rin ng Lakers sina dating NBA coaches Frank Vogel at Jason Kidd para mapasama sa coaching staff ni Lue.

Hindi kumporme si Lue na iba ang pumipili ng kanyang staff, pero ayon sa sources ng Yahoo ay papayag na rin daw ito kung tinanguan ang hinihingi niyang mas mahabang kontrata.

Matunog din sa posisyon si Monty Williams, pero nauna niyang tinanggap ang head coaching role sa Phoenix Suns noong Biyernes.

Naging coach ni James si Lue sa Cleveland Cavaliers ng 2 ½ seasons.

Giniyahan ng dalawa ang Cleveland sa NBA title noong 2016, kinumpleto ang 3-1 comeback para sipain sa trono ang Golden State Warriors. (VE)