Abante Tonite Interactive

Lakers magkakampeon ulit — Kobe

By
0 913

Walang  duda si Kobe Bryant na hindi magtatagal ay magiging NBA champions muli ang Los Angeles Lakers.
Pangalawa sa 17 ng Boston Celtics ang 16 titles ng Lakers, pero huli silang nag-champion noong 2010 pa at hindi na nakarating sa playoffs pagkatapos ng 2013.
Nabuhayan ang Lakers sa pagdating ni LeBron James nitong July, dinatnan ang mga batang sina Lonzo Ball, Brandon Ingram at Kyle Kuzma.
Pagkatapos umpisahan ang season sa 2-5, angat sa 14-9 ang team at nasa fifth ng dikdikan Western Conference.
Sa All-Access event ng Lakers, sinabi ng alamat na si Kobe na pasasaan ba’t makukuha din ng kasaluku­yang team ang tamang timpla.
“They have talented pieces and (general manager) Rob Pelinka has put them in position with incredible flexi­bility,” aniya. “They will figure it out. So, enjoy the journey because we’ll be champions before you know it, and then we’ll just be laughing at all the Warrior fans who all of the sudden came out of nowhere.”
Normal lang na kabahan ang bagong squad dahil mga bata pa, pero hinimok ni Bryant ang mga ito na mag-focus.
Tiyaga lang daw.
Galing sa isang alamat, tiwalang kamukat-mukat ay nasa tuktok na naman ang Lakers. Kailangan lang solusyunan ng bagong squad.