Lakers naisahan ng Ingles

146

LOS ANGELES (AP) — Si Joe Ingles ang pinakahuling player na minarkahan ng La­kers, hindi inakala na ang 29-anyos na journeyman pala ang magbabaon sa kanial.

Si Ingles ang pumukol ng tira sa closing seconds, at tinalo ng Utah Jazz ang Los Angeles Lakers 102-100 Martes ng gabi.

Na-check na lahat ng tao ng Jazz sa loob, big­la ay naiwan mag-isa si Ingles sa labas ng 3-point line 21.6 seconds nalang. Kalmadong ibinaon ng journeyman na naglaro na sa Australia, Spain at Israel ang bola at natapos ang three-game losing skid ng Utah.

“Joe set a great screen,” lahad ni Ingles. “Obviously the play wasn’t set up for me. I was wide open and got a good look.”

Si Ingles ay ninth-leading scorer (6.5 points per game) lang ng Utah, pero namumuno sa 3-point field-goal percentage ng NBA (.477).

Pinamunuan ng 31 points at nine rebounds ni Gordon Hayward ang Jazz, tumapos si Ingles ng 13 points at may 12 at 11 pa si Rudy Gobert.

Nagkaroon ng huling tsansa ang Lakers sa final seconds.

Nag-disenyo si coach Luke Walton ng play kay D’Angelo Russell para pasahan si Lou Williams na dapat ay makakawala sa screen, pero sinorpresa ni Quin Snyder ang La­kers nang pabantayan kay 6-foot-10 Ingles si 6-1 Williams.

Binulabog ni Ingles si Williams at napilitian si Russell na tumira ng airball 3-pointer.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...