Abante Tonite Interactive

Lakers natuyuan sa Denver

104

DENVER (AP) — Umiskor sina Will Barton at Jamal Murray ng tig-22 at ibinaon ng Denver Nuggets ang Los Angeles Lakers 129-101 Lunes ng gabi para pantayan ang season-high three straight wins.

Nagdagdag pa ng tig-18 points sina Danilo Gallinari at Nikola Jokic para sa Nuggets, may two-game lead sa Portland para sa No. 8 playoff seed sa Western Conference may 15 games pang ilalaro.

Nagsumite ng 25 points at 11 rebounds si Ivica Zubac sa Lakers, talo sa 10 sa huling 11 laro. Nagdagdag ng 19 points si Jordan Clarkson na nag-start sa puwesto ni D’Angelo Russell, at may 14 si Brandon Ingram.

Tuyong-tuyo ang opensa ng Lakers na naiwan ng 32 sa layup ni Mason Plumlee sa third quarter, bagama’t nagawang tapyasin ang hinahabol sa 93-76 papasok ng final period nang ma-outscore ang Nuggets 29-14 sa last 9 minutes ng third.

Pero inapula agad ng Nuggets ang rally, inumpisahan ang fourth sa 11-0 burst na kinapalooban ng 3-pointers nina Gallinari at Murray para muling ilayo ang Denver sa 28.

Lumayo ng hanggang 28 ang Nuggest sa first half, naglunsad ng 15-0 run sa second quarter tungo sa 67-43 lead sa halftime.