Abante Tonite Interactive

Lakers pinatahimik ni Barnes

By
5

LOS ANGELES (AP) — Pagkatapos ng apat na seasons sa supporting­ cast ng Golden State Warriors, sinasamantala ni Harrison Barnes ang pagkakataon bilang main man ng Dallas.­

Umiskor si Barnes ng 31, nagdagdag si Seth Curry ng 23 at nilista ng Mavericks ang panga­lawang sunod na panalo pagkatapos ng 0-5 start, 109-97 laban sa Los ­Angeles Lakers Martes ng gabi.

Dalawang gabi matapos isumite ang career-best 34 points sa panalo ng Mavs kontra Milwaukee, tumikada si Barnes ng 11 of 18 shots sa Staples Center. Pitong sunod na puntos ang iginuhit ni Barnes nang lumamang ang Lakers 7 ½ minutes pa sa laro, mula roon ay tinapos na ng kanyang teammates ang panalo.

Eight players lang ang ginamit ng Dallas kontra LA, injured sina Dirk Nowitzki (sore Achilles­ tendon) at Deron Williams (strained calf muscle).

May 18 points, seven rebounds at eight assists si JJ Barea sa Mavericks.

Nagsumite si Jordan Clarkson ng 22 points, may 20 si Nick Young sa Lakers na naputulan ng three-game winning streak.