Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lakers sumakay sa tikas ni LeBron

0 41

ISINARA ni LeBron James ang third quarter sa pitong sunod na puntos na nagpasimula sa kalas ng Lakers para tabunan ang Grizzlies 115-105 Biyernes ng gabi sa Staples Center.

Sa pamamagitan ng 41-point third quarter, binaliktad ng Los Angeles ang 59-46 deficit sa haltime tungo sa 87-80 lead papasok ng fourth.

Hindi na nakapalag ang Memphis mula roon, ipinahinga na rin ni coach Frank Vogel si James matapos ang 34 na minutong kayod.

Tumapos si LeBron ng 28 points, 9 rebounds at 8 assists.

Lumiban sa huling dalawang laro – parehong overtime wins – si Anthony Davis (Achilles injury), bumalik para magtistis ng game-high 35 points at 8 rebounds sa loob ng 35 minutes para sa Los Angeles.

Mainam din ang kontribusyon nina reserves Kyle Kuzma at Montrezl Harrell. Nagdagdag si Kuzma ng double-double na 20 points, 10 rebounds, may 14 at 7 si Harrell.

Namuno ang 23 points ni Grayson Allen sa Memphis, may tig-22 points sina Ja Morant at Jonas Valanciunas. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.