Abante Tonite Interactive

LAKERS TULOY ANG PASIKLAB

92

LOS ANGELES (AP) — Umiskor si D’Angelo Russell ng 32 points, nilista ni Julius Randle ang second career triple-double sa kinamadang 17 points, 14 rebounds at 10 assists, at itinuloy ng Los Angeles Lakers ang pasiklab sa pamamagitan ng 125-118 panalo kontra Brooklyn Nets Martes ng gabi.

Umayuda ng 20 points at six rebounds si Timofey Mozgov sa Lakers, kinapitan ang lead sa stretch tu­ ngo sa pang-apat na panalo sa limang laro sa Staples Center ngayong season.

Nagbaon si Russell ng pitong 3-pointers at may palamuti pang eight rebounds sa highest-scoring performance ng alinmang Lakers player sa impresibong pagsisimula ng season.

Sa balanced play ng Los Angeles sa ilalim ng bagong coach na si Luke Walton ay 7-5 na ang Lakers.

May 30 points at 10 rebounds si Brook Lopez sa Nets.

Sa Portland, nagsumite si Jimmy Butler ng 27 points at 12 rebounds at binuksan ng Chicago Bulls ang six-game road trip sa bisa ng 113-88 panalo kontra Trail Blazers Martes ng gabi.

Nag-ambag si Dwyane Wade ng 19 points para sa Chicago, humaba sa tatlong winning streak. Tumapos ng 13 points at 11 rebounds ang dating Blazers center na si Robin Lopez.