Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lakers uupo uli sa trono – logro

0 53

Tatlong linggo na nang magsimula ang 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21, pumapabor pa rin para sa reigning league champions Los Angeles Lakers ang logro o odds para makuhang muli ang kampeonato.

Ayon nitong Miyerkoles sa William Hill online sports betting, paborito pa rin ang Lakers na may +240 para masungkit ang back-to-back championship ng US major league.

Humihinga sa batok LAL ang Brooklyn Nets na may +300 para sa league championship odds.

SM food to go Banner Ad

Pasok rin sa logro para sa kampeonato ang Los Angeles Clippers nan aka-+600.

Nasa NBA crown odds din ang Milwaukee Bucks na nagtala +650.

Sa kasalukuyan, No. 1 sa overall standings ang Lakers na pinangungunahan nina LeBron James at Anthony Davis sa 10-3 win-loss record. Kasunod ang Boston Celtics na may 7-3 at Milwaukee Bucks 8-4. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.