Abante Tonite Interactive

Lakers walang galaw; Morris kinuha ng Clippers

336

Naisahan ba ng Clippers ang ­Lakers?

Hindi man lantaran, nagbabantayan ng galaw ang dalawang teams ng Los Angeles. Hindi sila nagkakalayo sa talento, maging sa standings sa Western Conference.

Top seed sa kasalukuyan ang Lakers (38-12), humihingi sa kanilang batok ang Clippers (36-15).

Walang galaw ang Lakers nitong nagdaang mga araw habang nagkukumahog ang ibang teams sa pagbalasa ng roster bago ang trade deadline.

Sapat na sa kanila ang players na nakapalibot kina LeBron James at Anthony Davis.

Nitong Huwebes, nag-upgrage ang Clippers.

Unang inireport ni ­Adrian Wojnarowski na kinuha ng Clippers si ­Marcus ­Morris mula New York Knicks at si ­Isaiah Thomas mula ­Washington Wizards sa ­three-team trade. Lalanding sa Wizards si Jerome Robinson, at si Moe Harkless sa Knicks.

Mukhang walang paggagamitan ang Clippers kay Thomas, plano raw ng team na i-waive ang veteran guard.

Matibay at walang takot na forward si Morris, may tira sa labas. Lalalim ang Clippers sa pakikipagtambalan niya kina Kawhi Leonard at Paul George.

Ayaw isurender ng La­kers ang bawat piyesa ng kanilang roster dahil click kina James at Davis.

Magkakaalaman sa postseason kung sino sa Los Angeles teams ang nakaisa sa move o no-move. (Vladi Eduarte)