Abante Tonite Interactive

Laklak pa more!

Santos, San Miguel pinulutan ang Magnolia

By
0 149

Start to finish na inari ng San Miguel ang Magnolia Pambansang Manok, 113-92, sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Itinagay ng Beermen ang 4-3 card sa PBA Philippine Cup elims. Nabaon naman sa 0-2 ang Hotshots, kinalos ng SMB sa limang laro sa kampeonato ng parehong torneo noong isang taon.

Dumistansiya ng hanggang 37-14 sa second quarter pero naibaba ng Magnolia sa 51-42 sa break.

Naibaba ng layup ni Ian Sangalang ang hinahabol sa 59-52 sa bukana ng third, pero muling umalagwa ang San Miguel tungo sa 82-69 advantage papasok ng fourth.

Mula roon ay hindi na dumikit sa single digits ang Magnolia.

Tumabo si Arwind Santos ng 29 points mula sa 7 for 11 shooting sa labas ng arc, nilista ni Terrence Romeo ang pinakamaangas na laro suot ang San Miguel jersey sa kinamadang 23 points.

May 22 points at 8 rebounds pa si June Mar Fajar­do para sa SMB na natoma ang ikalawang sunod na panalo.
Nanguna ang 19 points ni Sangalang sa Magnolia, tumapos ng 16 points si Paul Lee.

Sa first game, pinatikim ng Rain or Shine ng unang talo ang dating namama­yagpag na Phoenix, 98-94, sa overtime.
Umahon mula 14-point deficit sa regulation pero naubusan sa extension.

Umiskor ng career-high 16 si Kris Rosales, may 16 din si Beau Belga pero sina Raymond Almazan at Maverick Ahanmisi ang nag-deliver ng finishing kicks sa extra period nang ilista ang seven sa 11 points ng Elasto Painters.
“Another good win for us,” ani winning coach Caloy Garcia. “When Phoenix came back they never gave up. They fought their hearts out.”