Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laklakan binawal, curfew pinalawig sa Cebu

0 113

Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Cebu City ang liquor ban at hinigpitan pa ang curfew dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa ilalim ng Executive Order No. 136, sinabi ni Acting Mayor Michael Rama na epektibo ang liquor ban ng isang buwan, simula sa Hulyo 25.

“It shall be prohibited for any person, including owners and managers of hotels, resorts, restaurants, convenience stores, sari-sari stores and other establishments to serve and/or drink intoxicating liquor in any public place within the City of Cebu,” saad sa EO.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Exempted sa liquor ban ang mga hotel, mga resort at ibang mga accommodation establishment na nagbibigay ng alak sa mga in-house guest.

Samantala, ang curfew sa Cebu City ay ipatutupad simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw.

Sinabi sa EO na exempted sa curfew ang: authorized persons outside of residence (APOR); mga manggagawa sa business process outsourcing firm; mga manggagawa sa ibang industriya katulad ng food and essential deliveries; mga health worker; at mga manggagawa sa mga ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng mga frontline at emergency service. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.