Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laklakan pinayagan na sa Maynila

0 78

Inalis na ni Manila Mayor Isko Moreno ang liquor ban sa lungsod ng Maynila.

Sa nilagdaan ng alkalde na Executive Order No. 29, Series of 2021, may pet­sang Setyembre 15, 2021, at pinagtibay ni Secretary to the Mayor Bernie Ang, nakasaad na inalis na ang pagbabawal ng pagbebenta ng nakalalasing na inumin tulad ng wine, liquor, beer, at mga kauri nito.

Ang EO ay inilabas matapos isailalim ng pam­bansang gobyerno ang Metro Manila sa bagong quarantine scheme na Alert Level 4 na epektibo mula Setyembre 16 hanggang Setyembre 30, 2021.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“After consultation, the city finds no imperativeness to impose a liquor ban for now,” ayon kay Moreno matapos ang pakikipagpu­long sa mga department head at mga establishment owner.

Dagdag ng alkalde, ang pag-alis ng liquor ban ay para muling makapag­benta ng kanilang produk­to ang mga liquor es­tablishment pero hindi nangangahulugan na pu­wede nang uminom sa labas ng bahay. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.