Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lalabag sa bike lane pagmumultahin sa Parañaque

0 3,401

Simula ngayong Lunes, lahat ng mga sasakyan na nakaharang at dumadaan sa exclusive bicycle at motorcycle lane sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue na kilalang Sucat Road sa Parañaque City ay pagmumultahin ng P1, 000 para sa first offense.

Inutos ni Mayor Edwin Olivarez sa lahat ng city traffic and parking management office na mahigpit na ipatupad ang pinagtibay na Ordinance 2020-23 na nagtatakda sa outer lane ng A. Santos hanggang Ninoy Aquino Avenue bilang bicycle at motorcycle lane kasama ang mga guideline at penalty ng nasabing ordinansa.

Sa ilalim ng nasabing ordinansa, ang inner lane ng 12-kilometrong kalsada ay para sa mga pribadong sasakyan habang ang center lane ay sa mga delivery truck, van at mahahabang sasakyan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang nasabing mga lane ay may blue road marking at signages na alinsunod sa international standards.

Lahat ng mga nakahambalang na mga sasakyan sa nasabing bike lane ay pagmumultahin ng P1,000 habang ang mga rider na lalabas ng kanilang lane ay pagmumultahin din gayundin ang mga siklista.

Padadalhan ng notice at ticket ang mga lalabag dahil sa umiiral na ‘no contact apprehension policy’ na ipinatupad noong 2018.

Umapela si Olivarez sa publiko na ireport ang mga lumalabag sa nasabing batas kasabay nang pakiusap sa mga motorsiklo at ibang behikulo na pagbigyan sa daan ang mga nakabisiketa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.