Abante Tonite Interactive

Lalabas, lalaban pa ang Ginebra – JDV

By
10,220

Laro ngayon: (MOA Arena, Pasay)
7:00 p.m. – SMB vs Ginebra

Nagpakita sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi ang crowd ng Ginebra, pero wala naman ang finishing kick ng Gin Kings at tuloy ay naubusan sa San Miguel Beer 104-102 sa overtime.

Lubog bigla sa 2-0 ang Gins sa PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals, pipiliting makabalik sa Game 3 mamayang alas-7:00 ng gabi sa MOA Arena, Pasay.
Buong gabi pang nasa trangko ang Ginebra, naubusan lang sa dulo.

Sa extra period, may tsansa silang bawiin ang ‘W’ pero natawagan ng five-second inbounds violation si Joe Devance 15.8 seconds na lang mula sa timeout habang tabla sa 102.

Krusyal ang turnover na ‘yun ni JDV na nagresulta sa tip-in ni Marcio Lassiter sa mintis na layup ni June Mar Fajardo na nagbigay sa Beermen ng panalo.

“I didn’t really have nobody to pass it to, I should have just kind of lobbed it to somebody just to give it a chance,” wika ni Devance. “I might have passed it to Jervy (Cruz) in the last second but Arwind (Santos) was following him. That’s just the breaks of the game. We still had a chance to get a stop and we can’t get a stop.”

Mintis din ang drive ni Devance sa dulo ng regulation na pambasag sana sa 95-95 deadlock pati ang follow-through ni Scottie Thompson.

Pero para kay JDV, hindi pa tapos ang serye. Dalawa pa ang kailangang panalo ng SMB, at hindi basta-basta susuko ang Gins.

“We still have Tuesday, we come out there and fight,” giit niya.