Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LalaFood rider, P170K shabu dineliber

0 311

Arestado ang LalaFood rider nang makumpiskahan ng P170,000 halaga ng shabu sa joint buy-bust operation ng mga operatiba ng Batasan Police Station (PS 6) at Fairview Police Station (PS 5) sa Barangay Fairview, Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, PBGEN Ronnie S Montejo, ang nadakip na suspek na si Marc Aljohn Garlan, 23, taga-#1772 Tramo St., Brgy 46, Pasay City.

Sa report, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Units (SDEUs) PS 6 sa pamumuno ni PLt. Col Romulus Gadaoni at PS 5 sa ilalim ni PLt. Col. Melchor Rosales kaugnay sa ‘illegal drug activities’ ni Garlan.

Agad nagkasa ng buy-bust laban sa rider at bandang alas- 8:30 ng gabi ay nadakip ito sa Dahlia Avenue, West Fairview, nang isang pulis ang tumayong buyer at bumili ng halagang P45,000 mula sa suspek.

Maliban sa buy-bust money, nasamsam din sa rider ang may 25 gramo ng shabu na nagkakahalagang P170,000 at Black/Yellow Yamaha Mio MXi125 na may plakang MV #13600. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.