Abante Tonite Interactive

Lalaki ang ayaw mag-threesome

1,372

Dra. Margarita Holmes

Dear Dr Holmes:
Ako po si Stephen. ask ko lang po bago pa lang kami ng gf ko for 4 months pa lang pero gustong gusto nyang maki­pag threesome ako isang lalake at siya nag dadalawang isip akong pag bigyan siya kasi feeling ko masasaktan lang ako pag makikita siyang nakikipag talik sa ibang lalake sa harapan ko please help me give some advice doc for me to decide thank you so much/Stephen

Dear Stephen:
Maraming salamat sa iyong sulat. Hangang-hanga ako sa iyo para sa dalawang dahilan.

1. Maraming lalaki ay mag-ooo sa threesome. ‘Yan ang fantasy ng mga maraming lalaki. In fact, kung mayroon lang silang mahanap na 2 babae na papaya (at ‘di kailangang bayaran) sigurado akong mas maraming mga lalaki ang susubukang gawin ito. Pero iba ka, Stephen. Sa halip na ikaw ang humihingi ng pabor at magmakaawa ka sa girlfriend mo na pumayag siyang mag-threesome kasama mo, siya ang naghihingi ng pabor sa iyo. Siya ang gustong mag-threesome at ikaw ang ayaw.

Related Posts

Patay na kuko

Hindi ba Stephen, may kasabihan na ganito ang kaisipan/konsepto? “Sinusubo na nga sa iyo, pero hindi mo pa malulon” ‘Yan ang maaaring sabihin ng mga taong mababaw mag-isip kaya hindi ka nila maintindihan.

Sa tingin nila sa sex ay gagawin nila ang kaya nila sa sinuman basta papaya ang babae. Pero hindi ka ganitong klaseng lalaki, Stephen. Sana matanto ng girlfriend mo kung gaano siya kaswerte na ikaw ang kaniyang boyfriend.

2. Ang ikalawang dahilan na hanga ako sa iyo, dearest Stephen, ay dahil parang alam mo na kahit bago mangyari kung ano ang pinakaposibleng reaksyon na dadating sa iyo. Ito ay na masasaktan ka. TO BE CONTINUED TOMORROW.

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE sa Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.