Abante Tonite Interactive

Lalaki hinoldap, binaril habang nagpapahinga sa tapat ng bahay sa Laguna

1,095

Patay ang isang lalaking nagpapahinga lamang sa harap ng kanilang tahanan matapos itong barilin ng mga holdaper na nangholdap sa kanya kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Valentino Lucero Hernandez.

Batay sa report ng Calamba police,ábandang alas-6:30 ng gabi, nakatayo at nagpapahinga lamang ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang lumapit ang dalawang armadong lalaki.

Tinutukan ng mga ito ng baril ang biktima at sapilitang kinuha ang gintong kuwintas, bracelet at relo nito.
Matapos makuha ng mga gamit, paalis na sana ang mga holdaper nang biglang sumigaw at humingiáng tulong ang biktima sa kanyang mga kaanak.

Dahil dito, binaril ito ng isa sa mga suspek at saka mabilis na tumakas.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa ospital subalit nasawi rin ito habang nilalapatan ng lunas. (Ronilo Dagos)