Abante Tonite Interactive

Lalaki inatake habang ka-sex ang kabit

By
0 313

Kamatayan ang inabot ng 58-anyos na lalaki makaraang atakihin sa puso habang nakikipagtalik sa kanyang kalaguyo, sa loob ng isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila.

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Rudolph, ‘di tunay na pangalan, may asawa, operator ng SUV at residente ng Molino 1V sa Bacoor, Cavite.

Ayon sa pulisya dakong alas-dos ng hapon nang mangyari ang insidente habang nakapatong ang si Rudolph sa kalaguyo nitong tinago sa pangalang Brenda.

Inamin ni Brenda, 32, nasa kasagsagan sila ng pagtatalik nang biglang huminto at sinapo ng biktima ang kanyang dibdib.

Humingi ng tulong sa ilang staff na naroroon, at agad naman isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima, pero idineklara itong dead on arrival.