Abante Tonite Interactive

Lalaki itinumba sa Quezon

105

Wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo nang madiskubre ang bangkay ng isang lalaki sa Sitio Pasal, Brgy. Pinagdanlayan, Dolores, Quezon kamakalawa.

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Dolores Police station, napag-alaman na wala kahit isang ID o anumang pagkakakilanlang dokumento ang biktima na tinatayang nasa edad 25 hanggang 35-anyos. Nakasuot ito ng itim na t-shirt, jacket at maong na pantalon.

Posible namang makilala ito sa kanyang mga tatoo na ‘Temenia’ at ‘Jhoy’ sa kanyang kanang kamay at salitang ‘freedom’ sa kanyang tiyan.

Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng caliber super .38 na baril na siyang hinihinalang gi­namit sa krimen.