Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lalaki kinatay ng magkapatid sa Zamboanga City

0 57

Kumatok para managa, kinatay ng mag-utol

Patay ang isang lalaki matapos itong pagtulungang tagain at saksakin ng magkapatid na kanya ding ka-barangay Martes ng gabi sa Brgy. Dulian, Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na si Jomar Cruz, nasa hustong gulang, ng Sitio San Miguel. Nagtamo ito ng mga taga at saksak sa ulo, leeg at iba pang bahagi ng katawan.

Sumuko naman agad ang magkapatid na sina Junnie Boy Apolinario, 29, at Vonjing, 33.

Sa ulat ng Zamboanga City PNP, ika-11:30 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa pulisya, bago ang krimen ay nagtungo umano ang biktima sa bahay ng magkapatid kamakalawa ng gabi at kumatok kung saan nagbukas sa kanya ay ang kinakasama ni Junnie Boy na si Eunie Grace Dela Cruz.

Nagulat ang babae nang makitang may hawak na itak ang biktima at akma na siyang tatagain kaya mabilis siyang humingi ng tulong. Agad namang sumaklolo si Junnie Boy at naagaw nito ang itak kay Cruz.

Mabilis namang nakatakas si Cruz subalit tinawag ni Junnie Boy si Vonjing at hinabol ang papatakas na biktima at nang abutan ay kinatay na ito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.