Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lalaki kinatay sa Golden mosque

0 193

Natagpuang walang buhay ang isang 23 anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng dalawang di nakilalang suspek sa loob ng Golden Mosque Compound, kamakalawa sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa Manila Police District-Police Station 3, nakilala ang biktima sa alyas Akmhad, 23, sinasabing isang Muslim na nakatira sa loob Golden Mosque Compound at tubong Lanao Del Sur, Mindanao.

SM food to go Banner Ad

Nalaman na isang di kilalang babae ang nagbigay ng impormasyon kay Hadji Nasher Alingan, acting admin personnel ng Golden Mosque dakong ala-1:30 ng hapon na nakita niya ang biktima na walang buhay at duguan sa loob ng kuwarto nito.

Sa impormasyong binigay kay PSSg John Paul Rojo, ng MPD-HS nalaman na dalawang lalaki umano ang pumatay sa biktima.

Patuloy pang inaalam ang motibo sa pagpaslang sa biktima. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.