Abante Tonite Interactive

Lalaki lumangoy sa Manila Bay inaresto

0 141

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki makaraang lumangoy sa Manila Bay sa kabila ng mga bakod na inilagay ng mga Department of Public Works and Highways.

Unang nasampolan ang isang hindi kinilalang lalaki noong Linggo makaraang magtatakbo sa dagat at luma­ngoy bagama’t may mga nakabantay na awtoridad.

Agad dinampot ang lalaki at dinala sa istasyon ng pulisya dahil sa paglabag sa Sec. 187 ng Revised City Ordinance.
Nitong Pebrero lamang matatandaang naiulat ang grade 6 student na nalunod sa nasabing dagat, masuwerte namang nakaligtas ang 11-anyos na biktima.

Paalala ng awtoridad, hindi pa pinahihintulutan ang paglangoy sa Manila Bay at bawal ang pag-iiwan ng anumang kalat sa baybayin.

Ang sinumang mapatunayang nagkalat sa Manila Bay ay pagmumultahin ng P500 o walong oras ng community service.