Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lalaki multa ng P6K sa pag-utot

0 339

Isang “freedom of expression” ang pag-utot, ayon sa isang lalaki matapos niyang idulog sa korte ang pagpapamulta sa kanya dahil sa pag-utot sa harap ng mga pulis.

Ayon sa India Today report, pinagmulta ang isang lalaking taga-Vienna, Austria ng 500 euro o P29K dahil sa pag-utot noong Hunyo 2020.

Nakaupo raw noon sa park bench ang lalaki kasama ang kanyang mga kaibigan nang lapitan ng mga pulis para sa routine identity check.

Sa kalagitnaan ng routine identity check ay tumayo raw ang lalaki, tumingin sa mga pulis at umutot nang malakas.

SM food to go Banner Ad

Dahil dito, kinasuhan siya dahil sa public indecency at “proactively” farting.

Kinuwestiyon ito ng lalaki sa korte at iginiit na isang freedom of expression ang kanyang pag-utot at isang biological process.

Bunsod ng kalagayang pinansiyal ng lalaki at walang anumang criminal record, mula sa 500 euro na multa ay ibinaba ito sa 100 euro o halos P6,000. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.